Home

Kaligtasan ng Pilipinas: Tatlong Agarang Hakbangin

Click here for PDF version

KAPAG ANG BANSA ay kasalukuyang humaharap sa pinakamalaking banta sa patuloy niyang pananatili bilang isang Republika;

KAPAG ANG MGA PATAKARANG PANG-EKONOMIYA gaya ng malayang pag-aangkat (import liberalization), pagsasapribado, at deregulasyon, ay napatunayang naging daan upang sirain ang kakayanan ng ating lipunan na manatili bilang isang bansa;

KAPAG ANG SISTEMANG “floating-exchange rate,” ang nagsilbing paraan upang ang mga mandarambong na nagpapautang sa buong mundo, na kinakatawan ng IMF, upang patawan ng paulit-ulit at walang humpay na pagpapaliit ng halaga (devaluation) ng ating pananalapi, sa gayon kusang nadaragdagan ang ating mapaniil na utang panlabas at imoral na pagbabayad nito;

KAPAG ANG ATING BANSA ay isinuong sa halos lubos na pag-asa lamang sa pag-aangkat ng langis sa pamamagitan ng pagbasura ng maaaring naging pangunahing pinagmumulan ng pinakamatipid, maaasahan, at katutubong pagkukunan ng enerhiya, ang Bataan Nuclear Power Plant;

KAPAG ANG PANDAIGDIGANG SISTEMANG PANANALAPI, sa kabila ng mga babala ng LaRouche Movement, ay patungo sa ganap na pagguho, samantalang ang pabayang gobyerno, mga walang kakayanang tagapamahalang ekonomista, at mga litong mamamayan ay walang magawa’t nakatunganga, habang ang presyo ng mga bilihin ay patuloy na nagmamahal;

KAPAG ANG KASALUKUYANG UMIIRAL na kalagayan ng buhay ay malubhang lumala sa antas na hindi pa nararanasan sa kasaysayan at sa hindi matiis na kalagayan;

KAPAG ANG KASALUKUYANG GOBYERNO ay paulit-ulit na napatunayan ang kanyang malalang walang kakayahan, sagad sa kurapsyon, walang awa at walang damdamin sa tumitinding kalagayan ng kahirapan na dinaranas ng taumbayan;

KAPAG ANG MAKAPANGYARIHANG MGA PULITIKO, maimpluwensyang negosyante at mga “econoquacks” sa edukasyon ay nagkaisa na iligaw ang mamamayan sa paraan ng mapanlinlang na propaganda at maling edukasyon;

MGA AGARANG PANGUNAHING HAKBANGIN ay dapat isakatuparan upang tugunan ang pagkasira at pagkawala ng buhay ng mga Pilipino, ang pananatili ng ating bansa, at ang katiyakan na ang susunod na mga salinlahi ay patuloy sa pag-unlad.

Sa mga layuning ito, mariin naming iminumungkahi ang mga sumusunod na agaran at kinakailangang hakbangin na dapat ipatupad sa lalong madaling panahon nang hindi tayo sumuong sa anarkiya at kaguluhan, ang pagkawala ng pangunahing pampublikong serbisyo ng gobyerno; at ang paglaganap ng “warlordism”:

1. Ang paghayag ng PAGLIBAN NG PAGBABAYAD NG UTANG-PANLABAS, ngayon ay higit sa 10 bilyong dolyar bawat taon, na tinitipon sa pamamagitan ng VAT at EVAT, mataas na singil sa kuryente; pagsasapribado ng mga imprastraktura ukol sa tubig, kuryente at mga kalsada;

2. Ang PAGPAPAANDAR  NG   BATAAN  NUCLEAR  POWER  PLANT, bilang bahagi ng isang panukalang pagpapaunlad ng pinagsama-samang enerhiya na binubuo ng mga iba’t ibang pagkukunan ng enerhiya, lalung-lalo na  ang agad na pagpapaandar ng BNPP, at programang pagpapaunlad ng enerhiyang nukleyar, upang maipagkaloob sa ating mamamayan ang pinakamalinis, maaasahan at pinakamatipid (cost-efficient) na pamamaraan ng paglikha ng kuryente. Ito’y nilikhang may disenyo na umandar ng tuluy-tuloy ng higit-kumulang na 50 taon, bilang pangunahing pagkukunan ng enerhiyang kinakailangan sa pangsakang-industriyal (agro-industrial), plantang nukleyar na nag-aalis ng asin sa tubig-dagat (nuclear-powered desalination plant), irigasyon at sa pamamahalang mga sistemang patubig (irrigation and water management systems), sistemang pangmaramihang paglalakbay (mass transit system), mga pagawaan at industriya sa pangkahalatan.

3. Ang agarang pagpapatupad ng isang  MALAWAKANG MAY-BISANG AGHAM NA IMPRASTRAKTURANG PROGRAMANG PAMBANSANG  PAGLIKHA  NG  PAGKAIN (science-driven infrastructure-based massive national food production program), na pinangungunahan ng pamahalaan, lahat ng kanyang mga sangay at ahensiya, mga institusyong pang-edukasyon, pampribadong sektor, at mga samahang sibika (civic organizations), na ang layunin ay doblehin, triplehin, o pag-apatin ang ating produksyon ng pagkain. Ito ang dapat mangibabaw sa lahat ng proyekto ng gobyerno.

MAKIISA SA PHILIPPINES LAROUCHE SOCIETY at sa LaRouche Youth Movement sa paglaban sa kasamaan na naging dahilan ng kasalukuyang kapighatian. Samahan ninyo kami upang umukit ng magandang kinabukasan para sa ating kabataan. Makiisa tayong lahat sa mga kasintulad-isip na inaangat ang dangal ng tao bilang tanging likha, nilikha sa hugis ng Diyos, pinagkalooban ng di-mahiwalay na karapatan sa Buhay, Kasarinlan, at ang pagkamit ng tunay na Kaligayahan.

Sabay-sabay kasama ang mga tunay na makabayan ng lahat ng mga bansa, talunin natin ang mga kapangyarihan na disididong wasakin ang kalooban ng tao na makatuklas ng katotohanan habang tayo ay patungo sa isang bagong pandaigdigang Pagsilang (New Renaissance), isang bagong pandaigdigang sistemang pang-ekonomiya, isang daigdig ng kapayapaan, pagsulong at kaunlaran para sa lahat!

Hulyo 2008

PDF VERSION

CLICK HERE FOR ENGLISH VERSION

LAROUCHE SOCIETY DECLARATIONS